...isang maiksing blog tungkol sa isang linggong experience namin...
Day 1 - February 2, 2011 Wednesday
Dahil first time naming lahat sumakay ng eroplano, ako ang parang guide ng mga kasama ko mula airport sa Manila hanggang makalapag sa Singapore (lahat ng kailangan i-fill up ako nagsulat, 5 kami o_o). Nakarating kami dito mga 5:00 p.m. na. Nakakainip pala sa flight. Inaantok ako pero 'di ako makatulog. 3 hours lang yun pero nayamot na agad ako. Sinundo kami ng mga kapatid ko sa airport. Pagkatapos diretso na agad sa apartment na narentahan. Okay yung bahay simple lang pero masarap tumira. May wi-fi pa 24 hours open hehe. Walang may sariling lupa dito puro condo lang, mayaman ka na kapag may sariling bahay at bakod ka dito. Maayos yung kalsada, malinis, walang usok. Saka 'di ka kakabahan na baka may mangsnatch sa'yo. Karamihan ng tao dito naka iPhone 4 sosyal.
 |
May hawak pang envelope ang ungas.
|
 |
| Mga turista |
 |
| Parang reunion na rin |
 |
| Ate Jen, Ako, Ate Vane, Kuya Mack |
 |
| Ang mansyon namin doon... ng 7 days lang. Mahal ang renta per day nakita ko ang receipt, shocking! Haha |
 |
| Singaporean ipis sa parking area |
 |
| Philippine ipis sa elevator |
Day 2 - February 3, 2011 Thursday
Maaga kami nagayos para pumunta sa Sentosa. Medyo malayo sa tinutuluyan namin kaya palipat lipat kami ng station ng mrt. Una namin pinuntahan yung Underwater World. Parang Manila Ocean park sa Pilipinas. Para kaming nagfield trip, parang mga bata. Andaming isda, may malaking malaki hanggang sa pinakamaliit. Kj ng pamangkin ko takot na takot sa malalaking isda. Hehe. Nanuod din kami ng dolphin show na tumagal lang ng 5 mins. Matagal pa yung paghihintay namin kesa sa actual na palabas, may susunod na batch pa kasi na manunuod din. Masaya rin yung show kahit 'di ko maintindihan yung sinasabi nung host na lalaki.
Sumunod naman sa napakalaking merlion. Andaming tao, sobrang dami. Nataon na chinese new year kasi.
Tapos sumakay kami sa skyride & luge. Ang saya kahit ambilis ng luge, natatakot ako na tumilapon sa gilid. Yung skyride naman nakakalula, inaasar nila ako na ako lang daw ang nakakapit sa upuan.
Last stop yung songs of the sea. Meron na yata sa atin nito pero di ko sure. Ginawa nilang malaking projector screen yung tubig ang galing. Nakakaaliw parang bumalik kami sa pagkabata. May apoy, kantahan, fireworks, etc. Di ako makapagconcentrate sa palabas kasi masakit tyan ko hahaha. Kain kasi kami ng kain.
Natapos yung araw na kumikirot yung paa ko sa kakalakad. Puro lakad, sana may jeep o kaya trike.
 |
Lakad-lakad papuntang MRT station
|
Tumapak ka lang sa kabilang side, BANG!
 |
| MRT sa ilalim. A la subway |
 |
| Isdang parang bulate. Ang cute |
|
|
 |
| Seahorses |
 |
| Malaking aquarium na may walkalator. |
 |
| Kitang-kita ang mga turista o. Haha |
 |
| Favorite ni Spongebob. |
 |
| Nayayamot na kami kakahintay ng show. Mga 1 hour kami nakaupo. |
 |
| Ayan na nagsimula na yung dolphin & sealion show! |
 |
| Duration ng show: 5 minutes >: | |
 |
| Papicture kahit sa entrance. Wala pake sa ibang dumadaan haha. |
 |
| Giant Merlion. Rawr. |
 |
| Sige pic lang ng pic minsan lang to! Haha |
 |
| Mega eggs. Hindi nakita sa shot yung Mega bunnies. |
 |
| Luge + Skyline! Tagal ng turn namin. |
 |
Pambatang size ng helmet nahablot ko.
 |
| Super bilis na Luge. |
|
 |
Wee skyline ang taas. (Higpit ng kapit ko dyan...)
 |
| Double peace sign + tongue sticking out = Wacky pic! |
|
 |
| Siloso yang malalaking letters na yan. |
 |
| Stroll sa sands ng Siloso beach. |
 |
| Daming tao. Open yung theater nila sa tabi ng beach. |
 |
| Magsisimula na! |
 |
| Ako at ate kong namiss daw ako... UTUSAN! Wahaha |
 |
| Kung ano-ano kinakanta nila 'di ko maintindihan. Puro folk songs yata ng iba-ibang bansa na malapit sa Singapore (Walang Filipino sorry) |
Day 3 February 4, 2011 Friday
Jurong Bird Park naman destination. Medyo malayo sa lugar ng tinutuluyan namin, buti na lang may car si Ate Jen hehe. Nagkasya kaming lahat sa Hyundai Tucson na parang magic. Makikita mo yung mga ibon up close pero di pwede hawakan. Hindi sila nakakulong sa mga cage, pero di sila umaalis sa mga pwesto nila. Penguin, parrot, swan, flamingo, macaw, hawk, vulture, etc etc. basta isang malawak na park siya na puro ibon. Pinakanaaliw ako sa show ng mga ibon. Halatang trained sila, halos lumilipad sila na malapit na sa ulo ng mga audience kakatuwa. Pagkatapos pumunta kami sa parang sports complex na may pool with slides. 2 dollars lang yata entrance tapos makakapagswimming ka na sa may wave pool, lazy river, & sobrang taas na slide, san ka pa?
 |
| Ako & Carlo sa penguinaruim. (ibento ko lang yung word na yun) |
 |
| Hinihintay ko sila kumanta & sumayaw ng sabay-sabay a la Happy Feet. |
 |
| Happy Feet.. Family pala |
 |
| Macaws |
 |
| Parang mamamalengke lang ako sa itsura ko. |
 |
| (Expression ng mukha ko) Ano ginawa ko Ate Jen bakit ka galit? Haha |
 |
| Biglang naglabasan ang napakaraming flamingoes |
 |
| Chill lang sila sa likod habang nagpapapicture kami |
 |
| Ian & Andy, aliw na aliw sa tubig |
 |
| Ayoko malunod! |
 |
| Hehe |
 |
| Taas pala nun parang babaligtad ako sa slide |
 |
| Sige dun tayo sa mas mababa ng konti. |
 |
| Mataas pa riiiiinnn!!! (glurggkkkgg...) |
 |
| Saya-saya. Meron kaming nakakasalubong na mga Pinoy dito. |
 |
| Andy, 3 y/o, kaagaw ko sa iPad. |
 |
| Pagod na. (Kuha ni Ian na makulit) |
Day 4 February 5, 2011 Saturday
Nagshopping kuno sa Orchard Road hehe. Kumpol-kumpol ang mga malls dito. 'Di kasing OA sa lawak ng mga malls dito pero matataas naman umaabot ng 6-8 floors. At ang mga store sosyalin, puro high end. Syempre di kami pumunta dun, sa Lucky Plaza kami pumunta haha. Tambayan daw ng mga Pinoy yung mall na yun. Dun din sila namili ng Giordano na shirts na super mura compare dito. Ayun andami nila napamili pampasalubong. Tapos pumunta din kami sa iba pang mall. Masarap pumunta dun... kung marami kang pera haha. Walang biro mura mga damit dun. Tapos lunch kami sa Wisma Atria. Iba't-ibang klaseng pansit & non-Pinoy foods. Dun ko din natikman ang authentic curry sauce na tumatagos hanggang sa ilong. Hmm kung ano yung lasa, yun din yung amoy.
Pagkatapos ng nakakabusog na lunch, pumunta kami sa Marina Bay Sands. Wala lang dumaan lang kami haha. Di kami pumunta dun para magcheck-in o magcasino, papicture lang haha. Nandun lang din kami eh di pumunta na din kami sa Esplanade. Walang humpay na lakaran ang ginawa namin. Pumipintig sa sakit yung talampakan ko pagdating sa bahay.
 |
| Yung ano yan... sa ano... 'di ko alam |
 |
| Ayan sure na ako sa Orchard yan. Alam ko lang, kahit walang clue... |
 |
| Dolce&Gabbana, Fendi and that Donna... |
 |
| Gucci. Actually sa mga batong nakapatong-patong kami nagpakuha nadamay lang siya haha |
 |
| Ballerina si Carlo diyan. |
 |
| Pasalubong nyo |
 |
| Malaking avocado? |
 |
| Limited lang ang pwede pumasok, ganun kasosyal. |
 |
| Bentang benta yung pose nung bata na 'di namin kilala. Siya ang panalo! |
 |
| Chicha time. |
 |
| Sa loob ng MBS |
 |
| Nakapark yung Ferrari & Lamborghini sa tabi-tabi na parang wala lang. |
 |
| Pangarap ni Ian natupad! (Andy nakadila hehe) |
 |
| MBS. 3 buildings na may hugis barko sa ibabaw, sa anggulong ito isang malaking-malaking hotdog. |
 |
| Feel na feel ang pagiging tursita haha |
 |
| Photography by Ate Jen. Pwede. |
Day 5 February 6, 2011 Sunday
Universal Studios!!! Woooh. Ito yata yung pinakaenjoy kong araw. Mga taon na nakalipas nung huling punta ko amusement park, perya etc. Sobrang tagal na pagkatapos ng huling amusement ride na nasakyan ko. Kasi kamuntik-muntikan na talaga ako makapunta ng Star city, EK, & perya sa piyesta ng baryo last year. Kaya siguro hindi sila natuloy kasi Universal na lang daw ako wahaha. Far far away, the lost world, new york, hollywood, ancient egypt, sci-fi city, Madagascar etc etc hay saya. Sayang di pa open for public yung Battlestar Galactica, yung roller coaster na malupit. Wala kami pinalagpas na ride, kahit yung Madagascar-themed na carousel sinakyan ko. Pinakafavorite ko yung Revenge of the Mummy. 'Di sya ordinaryong horror train, masayang experience grabe. Haha. Wala ako masabi. Best day ever.
 |
| Mowdels. |
 |
| Alam mo nang malapit ka na sa Universal Studios kapag nakita mo na yung puno ng candy. |
 |
| Eat Happy. Eat your Feelings! |
 |
| Huwaw |
 |
| Sinasakal kami ni Franky (Franky? Close kami?) |
 |
| Kumakanta din po sa kasal, binyag, debut, burol, etc. |
 |
| May mga kumakanta ng live sa labas ng diner. |
 |
| With Charlie Chaplin |
 |
| Umaarte haha |
 |
| Battlestar Galactica. SAYANG! |
 |
| With former streetboys members. Laki ng sweldo nila for sure. |
 |
| Kilabot ng 3 mummies |
 |
| Bored yung mga tao sa likod natulog na lang sila. |
 |
| Jurrasic park! |
 |
| Water world. Live action astigin. |
 |
| Shrek 4d. Super sayang ride. |
 |
| I like to move it, move it... |
 |
| Shrek's house |
 |
| With Shrek & Fiona (with Kuya Mack gusto umiskor) |
 |
| Talented yung mga waitress sa diner. |
 |
| With Marilyn Monroe. 'Di sya pumuwesto dun sa manhole na umuusok daya. |
 |
| Jump shot. Feel na feel ni Ian haha |
 |
| Dapat yung durian yung pinakamalaking fine eh. |
Day 6 February 7, 2011 Monday
Day 7 February 8, 2011 Tuesday
Uwian na. 1:30 a.m. ng Wednesday pa flight namin kaya nagstay na lang kami sa bahay. Pumunta di pala kami sa IMM para sa last minute shopping. Karamhian puro chocolates binili namin. Dun din pala yung Esprit store na nakasale. 7 SGD lang may Esprit shirt ka na. Nakita ko presyo dito, sobrang laki ng difference. Tapos bumili din ako ng watch na walang tatak 10 SGD. Type ko kasi yung kulay, mukha naman siya mamahalin sa malayo eh haha. Tapos yun hinatid kami sa airport mga 10 pm. Maaga kami nagboard, may waiting area naman dun. May free internet pa nga.
 |
| GAME OVER |
 |
| Bye bye na |
 |
| Mamahalin kong watch |
 |
| Sad kami di ba halata? Haha |
 |
| Until next time (kung meron pa) |
 |
| Magkaiba kami ng flight Wednesday morning na sila. |
 |
| Bye Tita Vane. Si Ian ayaw na umuwi ng Philippines, sinabi niya talaga haha |
Salamat kay Ate Vane sa trip na 'to, sabi mo nga pwede na ipambili ng bagong car magagastos mo, eh 'di sana car na lang?!? Haha. Joke. Syempre mas maganda 'tong bakasyon kesa sa car noh. Salamat din kay Ate Jen sinamahan kami sa pagpasyal kahit halatang antok na antok ka sa pagod pag-umuuwi tayo hehe. Laging naka smile kahit inaasar ako minsan hehe, may connivance pa kayong 2 ni Ate Vane sa mga banat niyo. Haha. Salamat din kay Kuya Mack sa polo shirt & Fossil wallet. Salamat din kila Kuya Lou, mga Pinoy na nakasalubong namin, mga piloto ng eroplano, mga flight attendant na nagbebenta ng food & souvenirs sa airplane, yung masungit na immigration officer sa SG mamimiss ko yung mukha mong nakalukot, mga Singaporeans, at buong Singapore. Mabuhay! Hahahahaha.
 |
A day without laughter is a day wasted
Charlie Chaplin |
I love this. Such a happy family. :)
ReplyDeleteBTW, I'm back here! HEHE!! :)
Salamat. Saya talaga. Balik-loob ka na sa Blogger ah. Mainam yan. Haha.
ReplyDelete