...pumunta ako ng megamall para makiCR dun? Haha...
Tinopak na naman ako kaya naghanap ako ng mahabang byahe. Pagkatapos ko magbayad ng kuryente namen, sumakay ako ng bus nang 'di alam kung san pupunta. Dapat talaga pupunta ako ng school eh para tignan kung me nakapost na updates dun. Kaya lang late na ako nakaalis. Baka bukas na lang promise ko sa sarili ko. Ayun mabuti traffic kaya humaba yung byahe, ok lang sa akin ganun basta me napapakingan akong music. Di ako emo. Eww. Haha
Bumaba na lang ako ng megamall, la na ako pera nu baka di ako makauwi. Saka nawiwiwi na ako kaya dun na rin ako napadpad. Ang adik ko talaga kasi nagccr ako palagi sa fifth floor para konti lang tao. Ayun nakaraos din tas hugas ako kamay. Tapos me lalaki na nasa harap ng sink nagsasalamin. Pagtingin ko, aba ang taray ni kuya, naglalagay ng foundation! Hahaha. Anlaki-laki ng katawan pero lagay talaga ng foundation ang lolo nyo o. Haha. Pakonti konti lang lagay nya eh, baka ayaw nya ng masyadong makapal. Pinipigil ko tawa ko habang naghuhugas haha. Wala talaga sya pake eh, siguro sa isip nya walang basagan ng trip maglalagay ako kahit tumingin bawat taong dadaan dito. Hehe. Sa susunod na pagpasok ko sa cr ano na naman madadatnan ko? Gym buff na lalaki na naglilipstick? Haha. Di naman ako nagjujudge, siguro vain lang talaga yung lalaking yun. Pero O.A. ah. Haha. Joke. Malay ko ba, baka tatanga tanga lang ako. Baka me foundation na nabibili for men 'di ko lang alam. Anu kaya brand? Avon? Hahaha.
Pagkatapos ko humalakhak sa isip ko, naupo ako sa bench dun sa fifth floor at tumunganga. Nakikita ko yung mga lalapit sa'yo tas tatanungin ka kung may credit card ka na ba o anu. Naisip ko hirap naman ng trabaho nila, dapat best in PR ka talaga. Kaya di ako pwede dun. Haha. Iniiwasan ko kaya yung mga yun. Parang nakakairita ng konti lang naman hehe. Sa isip isip ko mukha ba akong me pera? Dun kayo sa mga sosyalero't sosyalera haha. Usually nakatambay sila sa mga kapehan. Hahaha. Oi ang bad ko baka me maoffend. Hehe. Bati tayo ah, mga tambay ng starbucks. Kitakits tayo dun, kape tayo. Wahahaha.
Six ng gabi naisipan ko ng umuwi, namiss ko agad bahay namen eh. Haha
0 comments:
Post a Comment