Thursday, July 8, 2010

: /

... 'la naman bumabasa nito kaya okay lang haha...
Eto 'la na naman ako magawa. Tagal na rin ako di nagpopost dito. Uyy, July na... wala lang. Baka may mahalagang okasyon lang ngayong month. Hmm ano naman kaya mangyayari ngayong taon? Last year friends lang kasama ko, naginom konti. 'Di ko makakalimutan na itinapon ako ng mga kaibigan ko dun sa stage nung bar para harassin ng mga stand up comedians dun. Hay nako. Tuwang tuwa ang mga baliw o nung nasa harap na ako. Pero masaya naman. 'Di naman kasi ako sanay na nagcecelebrate kaya okay lang kahit walang handa o regalo nu. Simba lang sa araw na yun okay na.
Katatapos lang ng board exam for nurses last Saturday & Sunday. Ayun, mahirap. Sabi nga ng freind ko "wala namang board exam na madali 'di ba?" Oo nga naman, nasupalpal ako dun ah. Hehe. Swerte ko kasi sa La Consolacion College ako nagtake. Air conditioned mga rooms, makakapagconcentrate talaga. Yung mga kakilala ko sa kung saang elementary school lang ng Manila. Hehe. Wawa. Hahaha Joke lang. Yung isa nasaktuhan na may fiesta dun sa lugar na yun, kaya ayun nadidistract daw sila kasi may mga tambol daw & kwitis. Nako buti 'di ako napunta dun hehe.
'Di ko alam kung tama ba yung mga pinagsasagot ko. Hirap naman kasi nu. Pano ka mamimili ng tamang sagot kung lahat ng choices eh tama? Nakakabaliw. May isa ako sura na sura na sure na sure ako na tama. Protamine Sulfate! Haha. Dami ko suporta ng mga fans ko. Haha. Feelingero. Dami nagpray & nag good luck  kaya salamat sa kanilang lahat. Sana magdilang anghel kayong lahat. Haha. Kung pumasa, yehey kung hindi eh di kuha ulet. Ganun kasimple. Hanggang dito na lang, may ipis sa sahig eh. Bye bye.
*tinulugan ako for the nth time*

2 comments:

  1. hi.. just dropping by here... have a nice day! http://kantahanan.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagvisit sa blog ko. at least may nakatiis basahin kahit konti haha

    ReplyDelete